Di ko alam kung pa'no ko sisimulan to, pero di ko na kayang patagalin pa yung pagsisinungaling ko sa'yo. Alam ko, ako yung lumapit at nangumbinsi sa'yo na subukan mong muli; subukan mong muli na ibukas yung puso mo. Sobrang saya ko nung naniwala ka sakin na hindi lahat ng relationship ay nagtatapos sa wala. Ang saya saya ko din nung sinabi mong mahal mo na ko. PERO...
...bigla akong natakot para sa'yo. Naisip ko hindi ako deserving sa isang tulad mo. I am a damaged good. You are too precious para mapunta lang sa kagaya ko.
...lately, lage nalang kita nasasaktan. I am so sorry. Sinubukan ko naman e. Sinubukan kong magbago para sa'yo. Pero eto ako e, I am evil; which makes me even more undeserving for your love.
Naalala ko nung una tayong nagkita. You had such sad eyes. Ikaw na ata ang pinakamalungkot na taong nakita ko. Alam ko, ganyan ang mga mata mo ngayon habang binabasa mo 'to. And I can't stand that kaya mas pinili ko nalang sumulat kesa sabihin sa'yo ng harapan.
Mahal kita. Alam kong alam mo yun. Ikaw ang nagsilbing ilaw sa madilim kong mundo noon. Ikaw ang nagbigay kulay sa mapusyaw kong mga araw. Ikaw lang. Masyado kitang mahal para hindi isakripisyo ang sarili kong kasiyahan para sa ikabubuti mo. Sana maintindihan mo ko...
Please, don't close your heart to other people. Alam kong nasaktan kita... pinaniwala sa isang bagay na hindi ko napatunayan. Wag mo sanang sirain ang buhay mo ng dahil lang sa akin. Dadating din yung para sa'yo. Yung taong mamahalin ka higit pa sa pagmamahal ko. Yung taong nararapat at deserving sa isang katulad mo.
Minsan nga naiisip ko sana hindi nalang ako lumapit sa'yo. Hindi na sana kita kinumbinsi. Edi sana hindi ka masasaktan ng ganito. Ang tanga ko. SORRY. PLEASE understand... You'll be happier with someone else...
Hahanapin ko muna ang sarili ko.
Aayusin ko muna ang buhay ko.
Paalam...
___________
*masaket. kase sakin sinabi yan... :c
totoo ba yan???!!!!! hmmmmmm.....ouch naman
ReplyDeletepawang kathang-isip lamang po ate iya...
ReplyDeletepero may pinaghuhugutan...wahaha :D
Hmmm, interesting sis!
Deletesomehow i've heard this dialogue before. :)
ReplyDeleteAng lungkot naman pero kailangan din talaga natin ng mga panahon na hanapin ang ating sarili para maging buo ulit tayo.
ReplyDeleteKATHANG ISIP man o hindi... ang liham na ito ay mararamdaman ng maraming makakabasa lalo na ang mga taong may kaparehong pinagdadaanan.
ReplyDeletenakakatagos damdamin naman ito, pang emo
ReplyDeleteAi ano vah yan? Na iyak ako dun sa "AAYUSIN KO MONA SARILI KO"...ouch..tinaman ata ako dun..az en SAPOL!
ReplyDeleteMeron talagang mga pagkakataon na dapat natin kilalanin ng mas mabuti ang ating sarili bago ang ibang tao. Dahil kapag mas kilala mo na ang sarili mo tsaka mo lang mas maiintindihan at mas makikilala ang ibang tao.
ReplyDeletekung ano man yang pinagdadaanan mo... daanan mo lang.. wag mong tambayan. kase pag tinambayan mo yan, mahirap ng makausad.
ReplyDeletewhat a sad way to part from someone you love :(
ReplyDeleteOhh sis... only cowards write that way. Real people tell what they feel in person.. because right there and then, you'll see actual emotions and physical expressions. But you know what? The writer did say something true.. and that is, you deserve someone better. You really do. So just try to keep that faith intact! :)
ReplyDelete