Magbebente-tres anyos ako ng unang makita at makilala kita
Tandang-tanda ko pa ang tagpo na 'yon, ilang saglit tumitig sa iyong mukha
at para bang ang pagkakataon ay ayoko ng mawala.
Noon lang tumibok ang puso ng walang humpay sa saya.
Ngayon lang naging sigurado ang puso sa kanyang nadarama.
Ibang klase talaga magbiro ang tadhana.
Matalinghaga...mahirap maarok ng pang-unawa.
Bente-dos na taon ko sa mundo, ni anino mo'y hindi nasilayan
at ni isang letra ng pangalan mo ay 'di ko alam.
Kung tayo man ay nagkita at pinagtagpo sa gitna ng kawalan,
marahil ikaw na nga ang aking walang hanggan.
Ikaw ang dahilan kung bakit masarap mabuhay sa araw-araw.
Ikaw ang dahilan kung bakit laging hinihintay ang kinabukasan.
Ikaw ang dahilan ng paghinga, pag-iyak, pag-ngiti at pagtawa.
Ikaw ang aking pag-ibig...iniibig...iniirog...sinisinta.
Magbebente-tres taon ako ng makilala kita---ikaw ang gusto kong
paglaanan ng natitira ko pang buhay.
Ako'y isang hardinero sa isang malawak na bulaklakan.
At ikaw ang pinaka-marikit na bulaklak na aking nasilayan.
Araw-araw kang aalagaan, hahawakan, hanggang sa paglanta mo,
ikaw'y patuloy na pag-aalayan.
(c) Jimmy S. Tarin, RPm
0 lovely comments Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ:
Post a Comment